Paano Palaguin ang Maliit na Negosyo

Ikaw ba ay isa sa mga nag nanais na mag tayo ng negosyo at gusto mag simula kahit sa isang maliit na negosyo lang? O isa ka na sa mga nag mamay-ari ng maliit ng negosyo at gustong gusto mo na itong palaguin? Sa artikulong ito ay bibigyan namin kayo ng mga ilang tips para malaman nyo kung paano nyo mapapalago ang inyong negosyo.

Ang pagnenegosyo ay hindi madali. Malaki man ito o maliit. Kailangan ng diskarte at kailangan din ng matinding sipag at determinasyon. Ang importante sa lahat ay mahal mo ang ginagawa mo sa pagnenegosyo. Malaking factor na gusto at nag-eenjoy ka sa iyong napiling negosyo. Ito ang good news. Alam mo ba na napakaraming mga malalaking negosyo ngayon ang nagsimula lang din sa maliit na negosyo!

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga dapat mong isaalang alang para mapalago ang maliit mong negosyo.

1. Maging sarili mong accountant 

Dapat ay maging accountant ka sa sarili  mong negosyo. Since pinaguusapang natin dito ay maliit lang na negosyo ay kailangan natin ng extrang sipag at kailangan natin ng extrang skills. Dapat ay matuto tayo magkwenta ng mga perang palabas at ng mga perang papasok sa ating negosyo para masiguro natin na ang ating negosyo ay kumikita ba. Mahalagang mismong ikaw na may-ari ng negosyo ay alam ang cash flow sa iyong negosyo.

2.  Alamin ang mga dahilan ng pagbagal ng pag-usad ng negosyo

Sabi nga nila ay di mo kayang masolve ang problema kung di mo alam kung ano nga ba talaga ang totoong problema. Pagdating sa pagnenegosyo ay nakapakaimportante na alam mo ang nangyayari sa negosyo mo. Kung mabagal ang pag-usad ng iyong negosyo, alamin mo ang mga dahilan kung bakit nga ba mabagal ang pag-usad nito. Tama ang patakbo mo? Tama ba ang pag gamit mo ng pera. San napupunta ang kinikita ng negosyo? Nagagamit ba sa ibang bagay? Or nagagamit sa pagpapalaki ng negosyo? Ito ay ilan lamang sa mga tanong na dapat mo itanong sa sarili mo para masmapabuti at mapalago ang iyong negosyo.

3. Ang negosyo ay negosyo! 

Maraming makakarelate dito. Ang negosyo ay negosyo. Uso sa ating mga Pinoy ang libre dito libre doon lalo na sa mga negosyo ng ating mga kaibigan at kamag-anak. Imbes na suportahan ang negosyo ng mga kamag anak ay huhuthutan lang ito na di iniisip kung nakakaapekto ba ito sa negosyo ng  kamag-anak. Iwasan ang pagbibigay ng libre sa pag dating sa negosyo. Ipaliwang mo sa kanila na ikaw ay nagnenegosyo at kailangan mo din kumita ng pera para sa iyong mga bills. Alam kong maiintindihan nila yun once na ikaw ay nagsalita na at ipaliwanag sa kanila.

4. Alamin ang iyong mga HOT ITEMS

Nakapaimportante na alam mo kung ano ang iyong hot items. Dito na papasok ang pag-iinventory at dapat ay marunong kang tumingin kung ano ang mga mabenta at di mabenta. Ang sikreto dito ay mas imarket mo na ang masmabenta sa masa. Siguraduhin mong may sapat kang stock para sa mga items na ito. Gusto na ito ng mga tao at samantalahin mo ito. At para naman sa mga di masyadong mabenta ay subukang gumawa ng mga promo dito or subukang palitan ang mga produktong ito.

5. Promotions

Napakagandang marketing strategy ng promotions. SALES SALES SALES! Napakahilig ng mga Pinoy sa mga sales. Aminin mo isa ka din sa mahilig sa sales or isa ka rin sa naeenganyong bumili ng isang produkto pag ito ay nakasales. Ang kailangan mo lang gawin ay alamain ang mga produkto mo or mga items mo na di masyadong mabenta sa tao at ito ay ibenta mo ng may discount. Pero siguraduhin mo paring meron kang profit pag ito ay nakasale.

6. Sumunod sa trend

Matutong sumunod sa trend. Sa strategy na ito, hindi mo kailangan iwan ang mga dati mong produkto. Matuto ka lang makisabay sa kung ano ang uso at kung ano ang hinahanap ng mga tao. Alalahanin mo na ang mga customer ang laging nasusunod sa kung ano ang gusto nilang produkto. Kaya napakaimportante na alam mo kung ano ang mga hinahanap ng iyong mga customers. Kaya dapat ay matuto din tayong mag innovate.

7. Gamitin ang kita para kumita 

Gamitin mo ang kita mo para kumita ka ulit. Ang ibig sabihin nito ay gamitin mo ang pera mong kinita sa pagpapalaki ng iyong negosyo. Gamitin mo ang pera mo sa pag upgrade ng mga benta mo. Gamitin mo ito sa pag dagdag ng mga produkto na iyong binebenta. Unti unting maslalaki ang iyong kikitain pag sinunod mo ang tip na ito.

Ito ay ilan lamang sa mga tips na pwede mong gamitin para mapalaki ang iyong negosyo. Follow nyo kami sa facebook para sa iba pang mga tips.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.